^

Police Metro

4 timbog sa P250-M shabu bust

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat katao na kinabi­bilangan ng 2 Tsinoy na umano ay mga bigtime drug pushers ang naaresto ng mga otoridad sa shabu buy bust operation sa Quezon City at narekober ang nasa 40 kilo ng shabu.

Sa buy bust ope­ration na naganap ka­hapon ng umaga sa Que­zon City ay naaresto ng mga ope­ratiba ng Anti-Illegal Drugs-Special Task Group ng Quezon City Police ang apat na suspek na kinilalang sina Mark Sy Hue, 39; at Honorato Lo Pontigonon, 39; pawang taga Sta. Cruz, Maynila; at dalawang Pinoy na sina James Rosales, 26, ng Multinational Village Quezon City at Crisologo Puzon, 40 ng Las Piñas City.

Narekober ng mga otoridad sa mga suspek ang nasa 40 kilo ng shabu na umaabot sa P250 milyon.

Bago naaresto ang mga suspek ay nakipagtran­saksyon ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer sa mga suspek sa pagbili ng shabu ganap na alas-4:30 ng madaling-araw sa isang coffee shop sa may Banawe Avenue malapit sa panulukan ng Makaturing St., Barangay Manresa, Laloma na kung saan ay naaresto sina Hue at Puzon habang sakay ng Honda Civic (UUY-425) at nakuha ang kalahating kilo ng shabu na nakabalot sa pan-regalo.

Muling nagsagawa ng follow-up buy-bust ope­ration ang tropa laban kina Pontigonon and Rosales at nagkasundo na magpalitan ng items sa may harap ng Starbucks sa kahabaan ng Banawe kung saan sila naaresto, ganap na alas-7:30 ng umaga.

Nang siyasatin ang dala nilang Mitsubishi Lancer (UTE-886) ay na­rekober ang dalawang malaking bayong na plastic na kinalalagyan ng bulto-bultong shabu na nakasilid sa 39 piraso ng ziplock plastic bag.

Natuklasan din ng pulisya na ang bagong modus operandi na ginagawa ng grupo na bukod sa pera ay ibinibenta na rin umano nila ang dalang mga sasakyan, upang hindi mahalata ang abutan ng mga kontrabando.

BANAWE AVENUE

BARANGAY MANRESA

CRISOLOGO PUZON

DRUGS-SPECIAL TASK GROUP

HONDA CIVIC

HONORATO LO PONTIGONON

JAMES ROSALES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with