MANILA, Philippines - Nakiisa ang mga opisyal at miyembro ng Bataan police provincial office ng Manila-based Alpha Fire Brigade and Brotherhood Association sa clean-up drive sa Mariveles, Bataan bilang pagsuporta sa pagÂdiriwang ng Earth Day, noong Sabado.
Pangunahing isinagawa sa clean up drive ang tree-planting activity ng La Filipina Uygongco Corporation na pinangunahan ni Mariveles municipal mayor Dr. Jesse I. Concepcion na makikita sa ibabang laÂrawan na kasama ang mga pulis sa pagtatanim ng 400 samplings ng coconut trees sa coastline ng Barangay Townsite, sa Mariveles.