MANILA, Philippines - Binaril habang nagÂhiÂhintay ng pasahero ang isang 28-anyos na tricycle driver ng dalawang lalaki na nakamotorsiklo kamakalaÂwa ng hapon sa Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Ang biktima na namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ay kiniÂlalang si Leonard Rey Gacutan, binata ng no. 79 San Diego St., Brgy. Commonwealth, sa lungsod.
Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon sa harap ng isang botika sa VillongÂco kanto ng Steve St., ay nakatambay ang biktima nang ito ay lapitan ng dalawang suspek na may suot na kulay pulang helÂmet sakay ng isang Honda wave motorcycle na walang plaka at pagbaÂbarilin ang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa motibo ng pamamaslang.