MANILA, Philippines - Iginiit ni United Nationalist Alliance (UNA) Senatorial candidate Juan Miguel “Migz†Zubiri na bukod sa kanyang maÂtapat at malinis na serbisyo publiko, tuloy din ang kanyang kampanya para mapigilan ang pagkaÂsira ng kalikasan.
Si Zubiri na isang environmentalist ay nakilala sa kanyang paglaban sa mga malalaking sindikato na lumalapastangan sa kaÂlikasan tulad nang madisÂkubre at kanilang maharang ang milyun-milyong halaga ng black corals na ilegal na pinuslit sa bansa noong siya ay nasa Senado.
Nagbanta rin si Zubiri na sakaling makabalik siya sa senado, target niya ang mga malalaking tao na nasa likod ng mga sindikato na sumisira sa kalikasan, tulad ng illegal logging, illegal mining, black sand mining, at iba pa.
Alam ni Zubiri na karamihan ng mga nasa likod ay mismong mga puÂlitiko at mga opisyal ng gobyerno, pero hindi raw siya mangingimi na banggain ang mga ito.