3 fetus sa simbahan

MANILA, Philippines - Mistulang walang takot sa Diyos ang mga ina na sabay-sabay nagpa-abort na kung saan ay iniwan nila sa loob ng simbahan sa Novaliches, Quezon City ang tatlong fetus na nakasilid sa isang plastic bag kahapon.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:10 ng umaga nang makita ng isang Flora Duran sa  pambabaeng banyo ng Our Lady of Mercy Parish Church na matatagpuan sa Quirino Highway kanto ng Dumalay St., Sta. Monica, Novaliches ang nasabing tatlong fetus.

Sa salaysay ni Duran, maintenance ng nasabing simbahan, lilinisan sana niya ang banyo nang ma­kita ang isang plastic bag ng isang mall na nasa gilid nito.

Sa pag-aakalang mun­ting basura, kinuha ito ni Duran, at nang kanyang buksan ay nagulat ito nang makita ang tatlong fetus na tinata­yang nasa apat hanggang limang buwang gulang.

Agad niyang ipinagbigay alam sa opisyal ng simbahan ang nadiskubre hanggang sa tumawag ng mga otoridad para sa imbestigasyon.

Sa imbestigasyon ng pulisya na ang mga fetus ay matagal nang pina-abort dahil malapit na itong maagnas.

Malaki ang hinala ng mga otoridad na may po­sibleng may taong nag-aabort sa lugar at kaya sa simbahan iniiwan ay sa pag-aakalang mababawasan ang kanilang mga kasalanan.

Show comments