Koko isusulong ang reporma sa partylist system

MANILA, Philippines - Kahit na naglabas ng ruling ang Supreme Court na nagbubukas sa national, regional at sectoral parties na hindi kumakatawan sa marginalized at under-represented sectors  ay ipagpapatuloy ni reelectionist Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang pagtulak sa reporma ng partylist system.

 â€œWith all due respect to the Supreme Court justices, I believe they have unnecessarily deprived the marginalized and under represented sectors having a voice in legislature,” ani Pimentel.

“The spirit and letter of the partylist law is to give the poor sections of Philippine society  the chance to take part in law-making, but the Supreme Court ruling practically closes the door for them to do so,” sabi  pa niya.

Puna ng senador mula sa Mindanao, ang SC ru­ling ay magbibigay-daan lamang upang pumasok sa Kongreso ang maya­yaman at maiimpluwensiya at dominahan ang sistema.

Kung muling mahahalal, sinabi ng mam­babatas na pag-iisahin niya ng magkasalungat na pananaw sa party­list system upang ma­­ging katanggap-tanggap ito sa lahat.

 

Show comments