Anak na pabalang sumagot nilatigo ng tatay

MANILA, Philippines - Tadtad ng latay ang buong katawan ng isang 20-anyos na babae matapos siyang latiguhin ng kanyang ama na nagalit dahil sa pabalang nitong pagsagot naganap kamakalawa sa Caloocan City.

Ang biktima ay nakilalang si Lorena Espiritu, ng Arellano St., Bagong Barrio ng natu­rang lungsod. Habang ang tatay nitong si Renato ay tumakas.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon ay si­nermunan ng tatay ang anak nito dahil sa gabi na umuwi sa kanilang bahay.

Sa halip na humingi ng tawad ang biktima ay sinagot nito nang pabalang ang tatay na naga­lit at nakakuha ng kawad ng kuryente at nilatigo ang anak.

Inawat ang suspek ng kanyang misis na si Lolita at dinala ang anak sa Manila Central University (MCU) upang mapagamot.

 

Show comments