2 Koreano na ministro arestado sa human trafficking at child labor

MANILA, Philippines - Sa halip na magpa­kalat ng mga Salita ng Diyos ay  pawang pang-aabuso sa mga Pinoy ang dala ng dalawang na­arestong Korean nationals na sina Rev. Oh Si Young at Lee Yeon Ho na kung saan ay naisalba ang 21 katao, kabilang ang apat na menor-de-edad na sa­pi­litang pag­tatrabaho bi­lang construction wor­kers, sa Tent City, Brgy. Planas, Po­rac, Pam­panga.

Kinasuhan ng Depart­ment of Social Welfare and Development ang dalawa ng pag­labag sa Republic Act (RA) 9208 o human traf­ficking at 4 counts ng  RA 7610 o Child Abuse and Exploitation Act.

Batay sa ulat, nagsa­gawa ng rescue operation ang mga otoridad sa com­pound ng God’s Love Theological Semi­nary sa nasabing lugar ma­karaan makatanggap ng ulat mula sa 29 se­mi­narians/student na sila ay pinahihirapan sa trabaho bilang cons­truction wor­ker.

Show comments