^

Police Metro

Pamilya Singson hinamon na magpa-drug test

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang patunayan na hindi gumagamit ng  iligal na droga at karapat-dapat muling mamuno sa lalawi­gan ng Ilocos Sur kung  kaya’t hinamon ng Team Kalayaan sa pangunguna ni Tagudin Mayor Jun Verzosa ang pamilya Singson at iba pang politiko sa lalawigan na boluntaryong magpa- drug test.

Ang mga lokal na kandidato ng Liberal Party at iba pang po­litiko na sumalang sa drug test sa Jose Reyes Memorial Medical Center at negatibo ang resulta.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Verzosa, kumakandidato bilang gobernador sa Ilocos Sur, na dapat buma­ngon ang lalawigan mula sa madungis na imahe nito ma­karaang mahuli noon si Cong. Ronald Singson sa pagdadala ng droga noong 2011 sa Hong Kong.

Inihayag ni Verzosa, da­ting head security ni incumbent Governor Chavit Singson na nakapokus sila sa fiscal reform kasabay ng pag­kwestyon sa kasalukuyang administrasyon sa lalawigan kung saan napunta ang kaban ng bayan kabilang na ang P6.2 bilyong pisong excise tax nito buhat sa parte sa Tobacco Levy fund.

Ayon pa dito, sa loob ng 42 taong panunungkulan ng mga Singson, nananatiling “third class province” ang Ilocos Sur kahit na bilyon-bilyon ang nakukuha sa buwis sa tabako.

Kasama ni Verzosa na sumalang sa drug test na pawang negatibo ang resulta sina Efren Rafanan, Vice Gubernatorial candidate at Atty. Trandy Baterina na kumakandidato bilang kongresista sa District 1 kasama ang iba pa nilang kapartido.

EFREN RAFANAN

GOVERNOR CHAVIT SINGSON

HONG KONG

ILOCOS SUR

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LIBERAL PARTY

RONALD SINGSON

SINGSON

VERZOSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with