MANILA, Philippines - Isang batang babae ang nasa kritikal na kalagayan matapos itong bugbugin at pagpaÂpasuin ng sigarilyo ng sadista nitong ama sa isang resort sa Boracay Island, Malay, Aklan kamakailan.
Patuloy na inoobserÂbahan sa Don Ciriaco Tirol Hospital ang biktimang si Margie Estrevillo, 2-anyos.
Habang ang tatay nito na si Daniel Louie EstreviÂllo, 23 ng #15 Maunlad St., Brgy. Pinyahan, Quezon City ay nakakulong na nang masakote sa follow-up operation.
Ang biktima ay dinala noong Martes ng ala-1:10 ng hapon matapos itong magsuka sa pambubugbog ng ama matapos na sila ay nagsama sa nasabing isla para magbakasyon.
Nabatid na ang mag-ama ay nagtungo sa nasaÂbing isla noong Abril 14 matapos na itakas ng suspek ang bata sa nanay nito na kanyang live-in partÂner.
Ayon sa ulat, isang restaurant owner sa Boracay Island na kinilalang si Nida Macahilig, 46-anÂyos, ng Brgy. Balabag, Malay, Aklan ang nagsupÂlong sa mga otoridad hingÂgil sa nakita nitong paÂnanakit ng suspek sa bata sa loob ng kanilang establisyemento.
Kasalukuyan umanong umiinom sa kaniyang restaurant ang suspek na hindi pinapansin ang umiiyak na anak na humihingi ng tubig at isa namang waitress sa restaurant ang nag-abot ng tubig sa bata pero kasunod nito ay nagsuka ito.
Nagalit umano ang suspek at pinagsasampal ang biktima na iniumbag pa nito hanggang sa maÂwalan ng malay-tao kaya isinugod ng may-ari ng restaurant ang bata sa ospital kung saan natuklasang tadtad ito ng mga pasa at paso ng sigarilyo sa katawan.
Nahaharap ngayon sa kasong child abuse at physical injury ang saÂdistang ama.