^

Police Metro

Paslit tinorture ng tatay sa Boracay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang batang babae ang nasa kritikal na kalagayan matapos itong bugbugin at pagpa­pasuin ng sigarilyo ng sadista nitong ama sa isang resort sa Boracay  Island, Malay, Aklan kamakailan.

Patuloy na inoobser­bahan sa Don Ciriaco Tirol Hospital ang biktimang si  Margie Estrevillo, 2-anyos.

Habang ang tatay nito na si Daniel Louie Estrevi­llo, 23 ng #15 Maunlad St., Brgy. Pinyahan, Quezon City ay nakakulong na nang masakote sa follow-up operation.

Ang  biktima ay dinala noong Martes ng ala-1:10 ng hapon matapos itong magsuka sa pambubugbog ng ama matapos na sila ay nagsama sa nasabing isla para magbakasyon.

Nabatid na ang mag-ama ay nagtungo sa nasa­bing isla noong Abril 14 matapos na itakas ng suspek ang bata sa nanay nito na kanyang live-in part­ner.

Ayon sa ulat, isang restaurant owner sa Boracay Island na kinilalang si Nida Macahilig, 46-an­yos, ng Brgy. Balabag, Malay, Aklan ang nagsup­long sa mga otoridad hing­gil sa nakita nitong pa­nanakit ng suspek sa bata sa loob ng kanilang establisyemento.

Kasalukuyan umanong umiinom sa kaniyang restaurant ang suspek na hindi pinapansin ang umiiyak na anak na humihingi ng tubig at isa namang waitress sa restaurant ang nag-abot ng tubig sa bata pero kasunod nito ay nagsuka ito.

Nagalit umano ang suspek at pinagsasampal ang biktima na iniumbag pa nito hanggang sa ma­walan ng malay-tao kaya isinugod ng may-ari ng restaurant ang bata sa ospital kung saan natuklasang tadtad ito ng mga pasa at paso ng sigarilyo sa katawan.

Nahaharap ngayon sa kasong child abuse at physical injury ang sa­distang ama.

AKLAN

BORACAY ISLAND

BRGY

DANIEL LOUIE ESTREVI

DON CIRIACO TIROL HOSPITAL

MARGIE ESTREVILLO

MAUNLAD ST.

NIDA MACAHILIG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with