Bam, pabor i-relocate ang mga nakatira sa estero

MANILA, Philippines -Bunsod ng panganib na kinakaharap ng mga naninirahan sa mga estero kaya pabor si Team PNoy senatoriable Benigno Bam Aquino sa plano ng pinsang si Pangulong Noynoy Aquino na  i-relocate ang mga informal settlers na naninirahan sa tinagurian ring “danger zones” sa Metro Manila.

Sinabi ni Bam, kailangan lang siguruhing may “job placement plans” rin ang pinaplanong relocation dahil babalik rin ang mga informal settlers na ito kung wala silang hanapbuhay sa bago nilang tirahan.

Una dito ay inihayag ni DILG Secretary Mar Roxas na ipatutupad ng gobyerno ang relocation policy ni Pangulong Aquino, na siya ring nag-apruba ng P10 bilyong budget para mabigyan ng mga alternatibong tirahan ang mga informal settlers.

Ayon kay Bam, kasama sa pagtapos sa kahirapan ang pagsiguro sa kapakanan ng mga walang permanenteng tirahan.

Si Bam Aquino ay tumatakbo sa platapormang edukasyon, trabaho at negosyo para matulungan ang bawat pamilyang Pilipino na kumita at umasenso ang buhay.

Show comments