Tserman inutas ng tandem

MANILA, Philippines - Isang barangay chairman ang nasawi matapos na paulanan ng bala ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo kamakala­wa ng gabi sa labas ng bahay nito sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Calixto Cla­mor, Chairman ng Brgy.Sta. Catalina Norte ng bayang nabanggit.

Batay sa ulat, bandang alas-9:30 ng gabi ay ka­uuwi lang ng biktima mula sa panonood ng basketball at habang nasa labas ng bahay ay biglang sumulpot sa lugar ang dalawang armadong salarin na magkaangkas sa scooter at pinagbabaril ang una.

Bumulagta ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol na agad nitong iki­namatay.

Show comments