MANILA, Philippines - Nagsagawa ng peace covenant ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na idinaos sa mismong dambana ni Gat Andres Bonifacio kahapon ng umaga para sa mga kandidato sa Caloocan City na kung saan ang tanging duÂmalo ay sina Caloocan City Mayor Enrico “Recom†Echiverri na tumatakbong kongresista sa 1st District ng lungsod at anak nitong si Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, CounÂcilor Ricojudge “RJ†Echiverri na tumatakbo naman sa pagka-alkalde at lahat ng naka-line-up sa partido nito sa ilalim ng LiÂberal Party (LP).
Ikinalungkot naman ng PPCRV ang hindi pagdalo ng mag-amang sina Caloocan City 1st District CongÂressman Oca Malapitan at anak nitong si Councilor Along at Vice Mayor Egay Erice na tumatakbo sa ikalawang distrito ng lungsod.
Sinabi pa ng mga taga-PPCRV na siyang nag-isÂponsor sa ginanap na pagdiÂriwang, ang paglagda ng mga kandidato sa nasabing kasunduan ay isang paraan upang ipakita ng mga ito sa mga botante na karapat-dapat sila sa tungkulin na kaÂnilang hinahangad na maÂkamtan.