Mister, dalaga binistay ng bala sa QC

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang isang 34-anyos na mister at 22-anyos na dalaga sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Quezon City kamakalawa.

Namatay habang di­nadala sa ospital ang  bik­­timang si Nelson No­rumbaba, may-asawa ng no. 32 2nd St., BF Road, Brgy. Holy Spirit matapos pagbabarilin sa harap ng kanyang paslit na anak.

Batay sa ulat, kamakalawa ng alas-12:30 ng tanghali ay magkasamang naglalakad ang biktima at 6-anyos nitong anak na si Marlon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at pagdating malapit sa panulukan ng Samonte St., Brgy. Holy Spirit sumulpot ang suspek at binaril ang biktima.

Samantala, pinagba­baril din ang dalagang si Joan Dela Cruz, 22, ha­bang nakatayo sa harap ng kanyang bahay sa Interior Masaya Republic Avenue, Brgy. Gulod, Novaliches.

Ayon sa pulisya, ganap na alas-9:10 ng gabi ay nakatayo ang biktima nang du­mating ang dalawang lalaki at isa dito ang bumunot ng baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Show comments