DepEd inisnab ang media sa pagiging judge sa school paper
MANILA, Philippines - Sa ikalawang pagkakataon ay muli na namang inisnab ng Department of Education (DepEd) ang mga mamamahayag na nagko-cover at naghahatid ng balita sa ahensya makaraang hindi mag-imbita bilang mga huwes sa nakalipas na “school paper contest†ng National School Press Conference (NSPC) ng mga mag-aaral sa “journalism†sa elementary at high school.
Nabatid na pawang mga college professors at ibang mga personal na kakilala umano ang inimbitahan ngayon ng DepEd bilang mga judges gayong karamihan sa mga ito ay hindi naman nakaranas ng tunay na pagiging “reporter†o pagsusulat sa tunay na pahayagan at puro teorya lamang.
Sinabi naman ni Tina Ganzon, outgoing Director ng DepEd Communications Unit, na hindi sila ang humahawak ng pagkuha ng mga magiÂging judge sa NSPC na dinisisÂyunan ng mga opisyal ng Bureau of EleÂmentary Education (BEE) at Bureau of Secondary Education (BSE) na siÂyang humahawak sa NSPC.
Nabatid na isinasaÂgawa ang judging ng mga “working media†sa NSPC upang matiyak na makakasunod ang mga estudyante sa “journaÂlism†sa kalidad ng pamamahayag tulad ng tamang pagsusulat, tamang pagkuha ng litrato, editing, at iba pa na isinasagawa ng pang-nasyunal na media.
- Latest