MANILA, Philippines - Nailigtas ng mga ahenÂte ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kamay ng kanyang mga kidnaper ang isang Chinese na casino financier sa isinagawang operasyon kahapon ng madaling-araw sa Sta.Cruz, Maynila.
Nadakip ang apat sa limang miyembro ng kidnap for ransom group ang lider na si Gerald Domingo, nobya nitong si Maryjane San Martin; Emmanuel de Jesus at Edwin Castro na may alyas na Orlando Sanchez at Bong na kritikal sa Jose Reyes Memorial Medical dahil sa tama ng bala sa batok nang makiÂpagbarilan sa mga tauhan ng NBI.
Nakatakas naman ang isang kasamahan sakay ng Ford Lynx ang isang alyas “Benjie†na umano’y daÂting pulis na nakadestino sa Southern Police District.
Ayon kay NBI-Anti-Organized Crime Division Head Agent Rommel Vallejo na ang mga suspek ay isang sindikato ng kidnap-for-ransom na matagal na minamanmanan ng NBI.
Ang nailigtas na biktiÂma ay kinilalang si Flor Ty, isang Chinese casino financer na dinukot upang ipatubos ng P20 milyon.
Nabatid na si Ty ang ikatlong biktima ng grupo at inabisuhan na ng NBI ang dalawa pang mga naÂbiktima ng grupo upang magsampa ng hiwalay na reklamo ng kidnapping with ransom.
Ang modus ng grupo ay mag-abang ng mga financier sa casino at kidnapin, kung kaya’t minonitor ang galaw ng grupo hanggang sa malaman na ang mga ito ay sakay kamaÂkalawa ng gabi ng isang pulang Ford Lynx (SXV 574) at isang Mitsubishi Lancer.
Bandang alas-3:00 ng madaling-araw nang haraÂngin si Ty sa panulukan ng Lope de Vega at Rizal Avenue Sts., ng grupo na sinundan umano mula sa Casino Filipino sa UN AveÂnue, sa Ermita. NagkaÂroon ng habulan nang maÂkatunog na sumusunod ang grupo ng NBI hanggang sa mauwi sa palitan ng putok.