MANILA, Philippines - Napatay ng tropa ng militar ang 8 miÂyembro ng banÂdidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa isinagawang assault operation sa kuta ng mga ito sa Brgy. Silangkum, Tipo-Tipo, Basilan nitong Lunes.
Kinumpirma ni Col.Carlito Galvez, Army’s 104th Infantry Brigade at Task Force Basilan Commander, bandang alas- 5:50 ng umaga nang unang salakayin ng tropa ng mga sundalo ang kuta nina ASG Commander Furuji Indama at Isnilon Hapilon ang nasabing lugar.
Sinundan ito ng assault operation dakong alas- 6:50 at bandang alas-9:00 ng umaga na ikinasawi ng may 7 hanggang 8 bandido at pagkasugat ng tatlong sundalo na inilipad na ng helicopter sa Camp Navarro Hospital sa Western Mindanao Command sa Zamboanga City.
Nabatid na naglunsad ang tropa ng military opeÂration sa lugar matapos na matukoy dito nagtatago ang mga kidnappers ng nakalayang bihag na Australyano na si Richard Warren Rodwell.
Si Rodwell ay dinukot ng grupo ni Indama sa Green Meadows Subdivision sa Ipil, Zamboanga Sibugay noong Disyembre 5, 2011.
Pinalaya si Rodwell noong Marso 23 ng taong ito ng kaniyang mga abÂductors matapos na umaÂno’y magbayad ng P7-M ransom base na rin sa kumpirmasyon ni Basilan Vice Gov. Rasheed Al Sakalahul.
Ang grupo ay sangkot rin sa panununog at madugong pag-atake sa bayan ng Ipil noong Abril 5, 1994; pangho-hostage sa 50 sibilyan kabilang ang ilang pinugutan ng ulo sa sinalakay na Golden Harvest Plantation sa Lantawan, Basilan; pagdukot sa 20 biktima kasama ang mag-asawang misyonarÂyong sina Gracia at Burnham noong Mayo 27, 2011 sa Puerto Princesa City, Palawan kung saan ang mga hostage ay itinago sa Basilan.