Magna Carta for the poor puwede pang isulong – Bam

MANILA, Philippines - Naniniwala si Team PNoy senatoriable Benig­no ‘Bam’ Aquino na ma­a­ari pang isulong ang na­un­siyaming Magna Car­ta for the Poor dahil ka­yang ipatupad ang mga angkop na reporma nito ayon sa kagyat na pa­nga­nga­ila­ ngan at kakayahan ng pa­ma­­­­ha­laan.

Ani Aquino, na katu­wang ng kanyang pinsang si Pangulong Noy­noy Aqui­no sa pag­tugon sa ka­­hira­pan, â€œAng Magna Carta for the Poor ang ma­­giging gabay ng gob­yer­­­no sa pagbigay ng ser­bisyo at sa pagbukas ng mas marami pang opor­tu­­­nidad para sa ating mga naghihikahos na kababa­yan. Alam nating hindi ito kayang ipatupad nang agad-agaran, pero kaya na­tin itong pagplanuhan at paglaanan ng sapat na pondo.”

Dagdag pa ni Bam, na matagal nang nagtrabaho para sa mga mahihirap na komunidad bago pa man tumakbo para sa Se­nado, hihingin din niya ang suporta ng pribadong sektor sa pagpapatupad ng Magna Carta for the Poor, lalo na’t may mga insentibo at posibleng tax exemption ang mga ito kung tutulong sila sa pag­pondo ng ilang mga programa sa ilalim ng Mag­na Carta.  

“Ang problema ng ka­­­hi­rapan ay problema na buong bayan, kaya ka­­ila­­­­ngan natin ang su­por­­ta ng lahat ng sek­tor para tu­lu­yan na ‘tong ma­tu­gu­nan.

Noon, nagawa na­ting ku­milos nang sama sama para isulong ang de­­­mok­rasya’t labanan ang ka­ti­wa­lian; ngayon naman, ang hamon ng pa­­na­­hon ay ta­pusin ang kahi­­ra­pan at si­­guruhing ang ba­wat pa­milyang Pi­li­­pi­no ay may maayos na kabu­ha­­­­yan para sa ma­a­yos na pa­­­­mu­­muhay.

 

Show comments