Palarong pambansa tututukan ng PTV 4

MANILA, Philippines - Tututukan at ieere ng People’s Television 4 (PTV 4) ang idaraos na Pa­la­rong Pambansa 2013 upang mabigyan ang mga manonood ng kumprehensibong update hinggil sa pinakamalaking taunang sporting event sa bansa.

Lumagda na ng kasun­duan sina Education Undersecretary Rizalino Rivera at PTV 4 General Manager Cleo Donga-as, para mabigyan ng natu­rang national television network ng airtime at mai-telecast ang daily events ng mga highlights at update ng 2013 Palarong Pambansa.

Sinabi ni Education Secretary Armin Luistro, kumpiyansa ang DepEd na ngayong broadcast partner na nila ang PTV 4 ay mas masusubaybayan ng viewing public ang mga kaganapan sa Palaro.

Batay sa kasunduan, ieere ng PTV 4 ang Pala­ro sa PTV Sports 2013 Pa­larong Pambansa Special–Recap mula Abril 22 hanggang 26 mula Lunes hanggang Biyernes, ganap na alas-5:00 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi, kabilang na ang update nito sa lahat ng news prog­ram.

Nauna nang inianunsiyo ng DepEd na magbibigay na rin ng cash awards ang mga pribadong sektor sa mga atleta na magpapakita ng galing sa Palaro.

Show comments