Mister pinatay sa fishpond

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang mister habang bumabaybay ito sa gilid ng fishpond sa Sitio Lemon, Quiniput, Zamboanga City.

Ang biktima ay kinila­lang si Junny Iraham, residente ng Brgy. Dita ng na­sabing lungsod.

Sa ulat ng Zamboanga City Police, dakong alas-6:30 ng umaga nitong Bi­yernes ng madiskubre ang bangkay ng biktima na nakalutang sa fishpond sa naturang lugar.

Ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng ka­tawan na agad namang iniahon ang bangkay sa palaisdaan.

Hindi pa nakikilala ang mga salarin na sinasa­bing agad na tumakas ma­tapos ang krimen.

Show comments