MANILA, Philippines - Isang ina ang nagpakamatay at idinamay pa nito ang kanyang dalawang paslit na anak sa pamamaÂgitan ng pagpapakalunod sa ilog ng Libmanan, Camarines Sur, noong BiÂyernes ng umaga.
Narekober ang bangkay ng mag-iinang sina Maricel Fabricante-Sacro, 28 at dalawa nitong anak na sina Jocelyn, 5-anyos at Jonalyn, 3-taong gulang sa Bicol River, Brgy. Purok Batia sa nasabing proÂbinÂsiya.
Ang dalawang paslit ay nakatali ng straw sa kaÂtaÂwan ng ina ay natagÂpuang lumulutang sa nasabing ilog, ganap na alas-11:00 ng umaga.
Base sa imbestigasyon ng Camarines Sur Police, labis umanong dinamdam ng ginang ang mga tsismis at biruan na naririnig nito sa kanilang mga kapitbahay na may kinahuhumalingang ibang babae ang kaniyang mister kaya laÂging inuumaga ng uwi sa kaÂnilang tahanan.
Ayon sa mga awtoriÂdad, itinali ng ginang sa kaniyang katawan ang daÂlawang bata upang hindi sila magkahiwalay saka ito lumusong at nagpakaÂlunod sa ilog.
Huling nakitang buhay ang biktima noong Huwebes ng gabi na malalim ang iniisip, tulala at tila wala sa sarili matapos umuwi ng umaga ang kaÂniyang mister na si Cedio Sacro, galing sa kanyang trabaho.
Laking gulat ni Cedio sa sinapit ng kaniyang mag-iina at halos hindi ito makapaniwala sa ginaÂwang pagpapatiwakal ng kaniyang asawa na idinaÂmay pa ang dalawa nilang musmos na anak.