MANILA, Philippines - Kinatigan ng korte ang petisyon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom†Echiverri nang ipinatigil kahapon ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) ang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) na mas kilala sa tawag na “pork barrel ni 1st District Congressman Oscar Malapitan sa pamamagitan ng pag-isyu ng tseke o medical coupon gamit ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa dalawang pahinang desisyon ni Judge Dionisio Sison ng Caloocan City RTC Branch 125, inutusan nito si Malapitan at ang DSWD sa paghinto ng pag-isyu ng tseke at medical coupon na kukunin sa PDAF ng kongresista.
Bukod kay Malapitan respondent din sa naturang petisyon sina DSWD Secretary Dinky Soliman at Commission on Election (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, Jr.
Nakasaad pa sa desisyon, kinatigan ang petisyon ni Echiverri dahil na rin sa “testimonial and documentary evidence†habang ang mga respondents naman ay piniling huwag na lamang maglatag ng kahit na anong ebidensiya.
Ayon pa sa iprinisintang ebidensiya ni Echiverri, anak nitong si Councilor Ricojudge “RJ†Echiverri at ng isang Luis Razo na patuloy ang pagwaldas ni Malapitan ng PDAF nito sa pamamagitan ng pag-isyu ng tseke at medical coupons ng DSWD.
Sabi pa sa desisyon, “violations on the prohibition of disbursement of public funds during election period under Section 261 on the Omnibus Election Code; that the disbursement of public funds of respondent Malapitan are used to advance his candidacy as Mayor of Caloocan City.â€
Ang paghahain ni Recom ng petisyon ay base na rin sa reklamo ng siyam na residente ng Bagong Barrio na umano’y ginamit ni Malapitan upang makapagÂlabas ng pondo mula sa DSWD sa pamamagitan ng tseke ng nagkakahalagang P3,000 bawat isa.