Kandidatong konsehal todas sa heat stroke

MANILA, Philippines - Isang kandidatong kon­sehal ng Liberal Party (LP) ang nasawi habang isa pa ang naratay sa ospital matapos na tamaan  ng heat stroke   sa Pagasa Island, ang  pinagtatalunang Spratly Islands sa West Philippine Sea.

Kinumpirma ni Pagasa Island reelectionist Mayor  Eugenio Bitoon ang pagkamatay ng kanyang konsehal na si Allan Nepomuceno na nasawi sa kasagsagan na rin ng campaign period para  sa local elections sa kanilang isla kaugnay ng gaganaping midterm elections sa Mayo 2013.

Inihayag din ni Bitoon na tinamaan din ng heat stroke ang kanyang suppor­ter na si Reynaldo Balsomo.

 

Show comments