Holdaper napatay sa police checkpoint

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang la­laki na hinihinalang holdaper matapos na makipagbarilan sa mga otoridad sa isang checkpoint kamakalawa ng gabi sa bayan ng Binangonan, Rizal.

Walang nakuha na pag­kakakilanlan ang sus­pek at gayundin ng mga kasamahan nito na naka­takas matapos ang insidente, sakay ng isang Toyota For­tuner  ( ZNG-576).

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng gabi sa kahabaan ng Manila East Road, Barangay Mambog, Binangonan ay nakatanggap umano ng tawag mula sa Morong Police Station ang Binangonan Police na may mga holdaper na hinahabol.

Naglatag ng dragnet operation ang pulis­ya, na nagresulta sa pagkaka­sabat sa mga suspek sakay ng nasabing sasakyan, subalit sa halip na humin­to at sumuko ay nakipagbarilan umano ang mga suspek na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa habang na­katakas ang mga kasamahan nito.

 

Show comments