MANILA, Philippines - Hinihingan ng paliÂwaÂnag ng Bulacan Laban sa Katiwalian (BuLaKan) si 2nd district congressional aspirant Gavin Pancho kung saan napunta ang P185.5 milyon mula sa kaÂbuuang P210 milyon na Priority Development and Assistance Fund (PDAF) ng kaniyang ama na si dating Congressman Pedro Pancho.
Si Gavin ay nagisilbing chief of staff ng kaniyang ama sa Kongreso at isa sa mga pangunahing traÂbaho nito ay ang paglaÂlaÂan at pagsasaayos ng mga proÂyekÂto para sa SamÂbayaÂnan ng ikalawang distrito na popondohan ng PDAF ng kaniyang ama.
Ayon sa BuLaKan, may mga datos silang nakuha na umabot laÂmang sa P24.5 milyon ang kabuuang nagastos mula sa PDAF ng ama ni Gavin sa loob ng dalaÂwang termino nito na ang pinagkagastusan ay isang maliit na kuwarto sa Central School sa BoÂcaue at dalawang maikÂling kalsada naman sa Balagtas na ipinagawa noon lamang noong huÂling termino na ng dating solon at wala nang iba pa.
Ang iba pang bayan sa ikalawang distrito ng Bulacan ay Baliuag, GuiÂguinto, Pandi at Plaridel.
Nabatid din na may mga tarpolina at karatula ang ilang mga proyekto sa mga bayang ito na nagÂÂsasabing si dating CongÂresman Pancho ang nakapagpagawa ng mga ito.
Subalit, sa nakuhang impormasyon ng BuLaÂKan na ang pondong giÂnasÂÂtos sa mga proyekto ay mula sa DPWH at hindi mula sa PDAF ng dating kongresista.