^

Police Metro

Bulacan solon bet pinagpapa-liwanag kung saan napunta ang ‘pork barrel’ ng amang solon

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinihingan ng pali­wa­nag ng Bulacan Laban sa Katiwalian (BuLaKan) si 2nd district congressional aspirant Gavin Pancho kung saan napunta ang P185.5 milyon mula sa ka­buuang P210 milyon na Priority Development and Assistance Fund  (PDAF) ng kaniyang ama na si dating Congressman Pedro Pancho.

Si Gavin ay nagisilbing chief of staff ng kaniyang ama sa Kongreso at isa sa mga pangunahing tra­baho nito ay ang pagla­la­an at pagsasaayos ng mga pro­yek­to para sa Sam­baya­nan ng ikalawang distrito na popondohan ng PDAF ng kaniyang ama.

Ayon sa BuLaKan, may mga datos silang nakuha na umabot la­mang sa P24.5 milyon ang kabuuang nagastos mula sa PDAF ng ama ni Gavin sa loob ng dala­wang termino nito na ang pinagkagastusan ay isang maliit na kuwarto sa Central School sa Bo­caue at dalawang maik­ling kalsada naman sa Balagtas na ipinagawa noon lamang noong hu­ling termino na ng dating solon at wala nang iba pa.

Ang iba pang bayan sa ikalawang distrito ng Bulacan ay Baliuag, Gui­guinto, Pandi at Plaridel.

Nabatid din na may mga tarpolina at karatula ang ilang mga proyekto sa mga bayang ito na nag­­sasabing si dating Cong­resman Pancho ang nakapagpagawa ng mga ito.

Subalit, sa nakuhang impormasyon ng BuLa­Kan na ang pondong gi­nas­­tos sa mga proyekto ay mula sa DPWH at hindi mula sa PDAF ng dating kongresista.

 

AYON

BULACAN LABAN

CENTRAL SCHOOL

CONGRESSMAN PEDRO PANCHO

GAVIN PANCHO

PRIORITY DEVELOPMENT AND ASSISTANCE FUND

SHY

SI GAVIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with