MANILA, Philippines - Malaki pa rin ang tiwala ni Pangulong Noynoy AquiÂÂno kay Customs ComÂmissioner Ruffy Biazon at hindi niya inisip na sibakin ito sa puwesto.
Ito ang sinabi ni PaÂnguÂlong Aquino sa isang paÂnayam sa Roxas City AirÂport, Roxas City, Capiz kamakailan at malaki ang kumpiyansa nito sa kreÂdibilidad at kakayahan ni Biazon sa pamumuno sa BoC na kayang lutasin ang matagal nang problema sa smuggling ng gobyerno.
Samantala, nakakuha rin ng kakampi si Biazon sa katauhan nina Senators Miriam Defensor-Santiago at Francis Pangilinan nang ipahayag ng mga ito na hindi sila pabor na sibakin ito sa puwesto.
Anila, mas lalu pang lalala ang smuggling sa bansa sa oras na magtaÂgumÂpay ang panawagan ng ilang mga naiingit na kritiko na magbitiw sa puÂwesto si Biazon.
Naniniwala si Santiago na may nasagasaang maÂimÂpluwensiÂÂyang tao si BiaÂzon sa ipinatutupad niyang reporma sa ahensiya kaya’t lumutang ang sinasabing oil smuggling na noon pa man ay namamayagpag na bago pa man maitalaga ni Pangulong Aquino sa puwesto si Biazon.
Idinagdag pa ni SanÂtiago ang kanyang naging karanasan sa kawanihan kung saan kinakailangang gumugol siya ng isa hangÂgang dalawang taon upang matutuhan at maging paÂmilÂyar sa kanyang tungÂkuÂlin.
Ayon naman kay BiaÂzon na tukoy na rin niya ang grupong naninira sa kanyang pamumuno at biÂnanggit pa ang isang may inisyal na letrang “G†na nais sumulot sa kanÂyang puwesto.