^

Police Metro

Ex-OFW nasolo ang P7.8-M sa lotto jackpot

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines -Napanalunan ng isang dating overseas Filipino worker ang P7,867,515.60 matapos matumbok ang jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 nitong Abril 5  draw.

Ang 40-anyos na OFW na mula sa Parañaque City ang solong nakahagip ng jackpot prize sa kombinasyon na 12-29-40-32-41-01 makaraang tumaya ng P10.00. Mula pa ng 1995 ay mananaya na sa lotto ang bagong milyonaryo.

Ayon sa bagong milyonaryo dalawang taon siyang nagtrabaho sa Singapore sa isang construction project, at dun ay tumataya rin siya ng lotto. Bago umuwi ang bagong milyonaryo ay dumaan siya sa lotto outlet ng Singapore at nakita niya ang resulta ng nanalong numero na agad niyang isinulat ang mga ito.

Nang bumalik na sa Pilipinas, inalagaan at tina­yaan niya ang mga numero sa lahat ng lotto games. matapos ang isa at kalaha­ting taon (1 1/2) nagbunga ang pag-titiyaga nito.

Agad na bibili ng bahay at lupa, magtabi para sa pag-aaral ng apat na anak na pawang nasa kolehiyo at magtatayo ng sariling ne­gosyo.

 

ABRIL

AYON

LOTTO

MEGA LOTTO

MULA

NANG

NAPANALUNAN

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with