Iniwan ni misis, mister nagbigti

MANILA, Philippines -Nagbigti ang isang mister matapos siyang iwanan ng kanyang misis kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ang biktima ay kinila­lang si Romeo Dela Cruz, 35,  ng Franville 2, Subdivision, Bagong Silang ng naturang lungsod.

Sa report ng Caloocan City Police, dakong alas-7:00 ng umaga nang makitang nakabigti ang biktima gamit ang electrical cord sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ng kanyang pamangkin na si Danilo.

Hindi na nagawang madala pa sa ospital ang biktima dahil patay na ito nang makita.

Nabatid na noong nakaraan linggo ay iniwan ang biktima ng kanyang asawang si Cathey dahil umano sa pananakit, pag­lalasing at paggamit ng droga na labis nitong ikinalungkot kaya nagawang mapatiwakal.

Show comments