P-NOY dumalo sa paglulunsad ng flood control project ng LLDA

MANILA, Philippines - Si Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang na­ging pangunahing pandangal sa paglulunsad ng Flood Control and River Protec­tion Convergence Project ng Laguna Lake Deve­lop­ment Authority (LLDA) na alinsunod sa Memoran­dum of Agreement (MOA) sa pagitan ng ahensiya at ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni LLDA Gene­ral Manager Sec. J. Nereus O. Acosta, na ipapatupad ng LLDA, katuwang DPWH, ang konstruksiyon at rehabilitasyon ng ri­ver control structures sa iba’t ibang ilog na du­ma­daloy sa Laguna Lake tulad ng Mabitac, Sta. Ma­ria, Sta. Cruz, Biñan, at San Pedro Ri­vers sa Laguna, bilang tugon ng pa­mahalaan para mai­wa­­san ang kahalintulad na pinsala na sanhi ng mga pagbaha na dulot ng ilang malalakas na bagyo at pag-ulan.

Idinagdag pa ni Acosta na ang naturang P780 mil­yon budget ay bahagi ng P5 bilyong pondo na inapru­ba­han ng National Economic Development Ad­mi­nistration (NEDA) Board.

Ang naturang halaga ay inilaan para sa Metro Manila Flood Management Master Plan na nag-establisa ng road map at nagbi­gay ng bisyon para sa sus­tainable at epektibong Flood Risk Management, na inihanda ng DPWH upang makapagsagawa ang LLDA ng mga public works at iba pang proyekto na may kinalaman sa mandato at sakop ng hurisdiksiyon nito.

Idineklara rin ni Acos­ta, na siya ring Pre­si­den­tial Adviser for En­­vi­ron­mental Protection, na ang LLDA ay hindi la­mang isang regulatory agency.

Show comments