MANILA, Philippines - Isang negosyanteng babae ang nasawi habang ang kapatid nitong babae na nasugatan matapos na sila ay pagbabarilin habang sakay ng kotse ng hindi pa nakikilalang salarin kamakalawa sa Las Piñas City.
Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Alabang Medical Center ay nakilalang si Guilma Bathan, 52-anyos, ng Hawaii St., Camella Homes 2-A, Bacoor City habang nasugatan ang nakababata nitong kapatid na si Ma. Victoria Rendor, 42, ng Villa AntoÂnina, San Nicolas Dos, Bacoor City, Cavite.
Sa inisyal na ulat ng Las Piñas City Police, dakong alas-10:00 ng umaga ay sakay ang magkapatid ng kanilang kotse na may plakang WCL-484 na paÂpunta sa miting ng kanilang pabrika.
Pagsapit sa harapan ng Dona Josefa Village, Pilar Road, Almanza Uno, ay hinarang sila ng isang lalaki na sakay ng motorsiklo at paulanan sila ng bala.
Napuruhan ng bala ng calibre .9mm sa katawan si Bathan habang tinamaan si Rendor sa likod at kanang braso.
Nakasaklolo naman agad ang kapatid na lalaki ng mga biktima na si Salvador Rendor na siyang nagdala sa pagamutan.
Inaalam ngayon ng pulisÂya kung may kaugnayan sa negosyo o personal na alitan ang motibo ng naturang panaÂnambang.