^

Police Metro

MMDA traffic enforcers binigyan ng ‘heat stroke break’

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang makaiwas sa “heat stroke” ngayong pa­nahon ng tag-init ay inum­pisahan ngayong ipa­tupad ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang oras na break para sa kanilang mga tauhan na nasa kalsa­da.

Itinakda mula ala-1:30-2:00 ng hapon at alas- 2:30-hanggang alas-3:00 ng hapon na itinuturing na pinakamainit na bahagi ng isang araw.

Mapapakinabangan ito ng mga traffic cons­tables at street sweepers ng ahensya

Ang “heat stroke break” ay epektibo hanggang Mayo 31 kung kailan ina­asahan na papasok na ang panahon ng tag-ulan.  

Ipatutupad ito sa pa­ma­magitan ng “rotation basis” upang may matitira pa ring tauhan sa kalsada at sa kanilang mga puwes­to.  Bibigyan rin ang mga ito ng espesyal na allo­wance at bottled water panlaban sa init.

I nilipat rin sa “night shift duty” ang mga tauhan na wala sa kundisyon ang kalusugan at may rekord ng dating pagkakasakit.

Magugunita na noong nakaraang taon, isang traffic enforcer ang nasawi habang naka-duty dahil sa heat stroke.

BIBIGYAN

IPATUTUPAD

ITINAKDA

MAGUGUNITA

MAPAPAKINABANGAN

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SHY

UPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with