Sekyu inatado ng ice pick

MANILA, Philippines - Isang sekyu ang na­tagpuang patay sa bina­bantayang gusali matapos na burdahan ng ice pick ang dibdib nito  ng hindi pa kilalang suspek kahapon ng umaga sa Brgy. East Tapinac, Olongapo City.

Ang nasawi ay kini­lalang si Alejandre Lipae, 58, ng Block 1, Gor­don Heights ng lung­sod.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga nang matagpuan ang duguang katawan ng biktima ng isang Ricardo dela Cruz, isa sa trabahador  sa pagpasok nito sa commercial building na matatagpuan sa #116 Fendler St., nasabing lugar.

Kasalukuyang iniim­bistigahan ng pulisya ang naturang insidente at ma­kilala ang suspek at moti­bo ng pagpatay.

 

Show comments