Sundalo dedo nang mahulog sa military truck

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng Philippine Army ang nasawi matapos na aksidenteng mahulog sa sinasakyang military truck sa kahabaan ng highway ng Brgy. Townsite, Maluso, Basilan ka­makalawa.

Idineklarang dead-on-arrival sa Camp  Navarro General Hospital sa Wes­tern Mindanao Command sa Zamboanga City ang biktima na kinilalang si Pfc Jelietert Frando, nakatalaga sa Headquarters Support Company ng 4th Special Forces Battalion ng Phil. Army.

Batay sa ulat, bandang alas-9:00 ng umaga habang ang biktima ay nagi-escort sa mga mi­yembro ng Gawad Kalinga Civi­lian volunteers lulan ng  KM450 vehicle na bumabagtas sa lugar.

Sa pagliko ng military vehicle ay nalubak ito kaya’t aksidenteng nahulog ang nasabing sundalo matapos itong mawalan ng balanse at tumama ang ulo sa matigas na bagay.

 

Show comments