Van nabangin: 13 guro, driver sugatan

MANILA, Philippines - Nasugatan ang may 13 guro at driver ng van ng Valencia City College of Bukidnon makaraang aksidenteng mahulog sa ba­ngin ang sinasakyan nila sa bulubunduking high­way sa hangganan ng Bukidnon, North Cotabato at Davao City kamakala­wa.

Ang mga biktimang guro ay kinilalang sina Eduardo Isagayo, Julius Ga­lario, Maria Araceli Men­doza, Clara Eduabe, Joralyn Macabudbiod, Bambi Austral, Ofelia Tigao Aba, Genal Allamba, Leonoro Gilang, Abecia Flordaliza, Jee Ian Lim, Aqui­lino Gemucon at Chona Nuñez. Lima sa mga ito ay nasa kritikal na kondisyon at driver  ng Toyota D4D van na si Jessie Gabriel, 32.

Sa imbestigasyon dakong alas-8:45 ng umaga ay kasalukuyan umanong bumabagtas sa matarik na pakurbadang highway sa naturang lugar ang van nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver at tuluy-tuloy na nahulog sa bangin.

Show comments