MANILA, Philippines - Dedo ang isang tricyÂcle driver matapos pagÂbabarilin ng hindi pa kilaÂlang suspek habang ito ay nagpapahinga sa loob ng pinapasadang tricycle sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Agad na nasawi sanhi ng mga tama ng bala sa kaÂtawan ang biktimang si Remegio Reyes, 34, ng Crisantinum St., Camarin ng naturang lungsod.
Ayon sa report, ang insidente ay naganap dakong alas-6:00 ng gabi sa loob ng pinapasadang tricycle ng biktima na nakaparada sa Dama De Noche St., Amparo Subdivision.
Sinasabing nilapitan ng suspek ang biktima habang ito ay nakahiga at nagpapahinga at walang sabi-sabing pinagbabaril.
Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang salarin dala ang baril na ginamit sa krimen. Hindi pa batid ng pulisya ang motibo ng krimen.