MANILA, Philippines - Pugot ang ulo, wakwak ang tiyan at nawawala ang lamang loob nang matagpuan kamakalwa ng umaga ang isang 4-anyos na batang lalaki na nawawala simula pa noong Marso 19 sa bayan ng Pililla, lalawigan ng Rizal.
Kinilala ng kaniyang pamilya ang biktima base sa suot nitong damit noong araw na mawala ito na si Mark Eljine Escarmosa.
Ayon kay Chief InsÂpector Resty Soriano, hepe ng Pililla Police na wakwak ang tiyan ng bata na halos buto na ang katawan dahilan nilapa ito ng mabangis at gutom na asong gala gayundin ng iba pang mga hayop sa gubat.
“Ang teorya na nakikita namin sa kasong ito, kaya natagpuan at may nakita silang aso na kagat-kagat yung isang binti ng biktima na puro buto na poâ€, ayon kay Soriano.
Sinabi ng opisyal na ang naagnas ng katawan ng biktima na halos buto na ay natagpuan ng isang residente na napadaan sa lugar sa ibaba ng isang matarik at masukal na bangin sa may sapa malapit sa bahay nito sa Brgy. Malaya ng bayang ito bandang alas-8:30 ng umaga.
Ayon kay Soriano, posible umanong nahulog sa matarik na baÂngin na bumagsak sa sapa ang biktima na nasawi matapos tumama sa matalim na bato ang ulo at katawan hanggang sa papakin na ng hayop ang bangkay kabilang ang bayawak at asong gala na nakitang may tangay na binti nito na halos buto na.
Gayunman, nagtataka naman ang pamilya ng biktima kung bakit hindi nila nakita ang tsinelas ng bata sa lugar na kinatagpuan sa naagnas na nitong bangkay.
Nagsasagawa ngayon ng malaliman at post-mortem examination ang pulisya para matukoy ang tunay na pagkamatay ng biktima at mabatid kung may foul play lalo pa’t buo ang damit ng bata nang matagpuan ito.
Duda rin ang ama ng biktima na si Marlon Escarmosa, posibleng may foul play sa pagkamatay ng kanyang anak dahil kung nilapa umano ito ng mga hayop ay bakit hindi nasira ang kanyang damit. Nagtataka rin si Marlon dahil agad na sinunog ng hindi pa rin nakikilalang kabarangay nila ang lugar na kinatagpuan ng bangkay nganak. - Mer Layson, Joy Cantos -