MANILA, Philippines - Babala sa mga magulang, bantayan ang inyong mga anak sa pagsu-swimming lalo na ngayong panahon ng bakasyon.
Ito ang naging panaÂwagan ng mga otoridad matapos dalawang bata ang namatay matapos na malunod sa isang ilog kamakalawa sa Antipolo City, lalawigan ng Rizal.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Rolando Lakandula, 9, at Vince CalÂvin Lupo, 9, kapwa residente ng Sitio Majayjay, Barangay Munting Dilaw, Antipolo City.
Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-10:20 ng umaÂga nang mamataang tumalon ang dalawang bata sa malalim na bahagi ng Sala river, subalit hindi na lumutang ang mga ito.
Sa salaysay ng isang residente sa lugar na si RodÂrigo Dural, 54, na bago naganap ang insidente ay nakita niya ang dalawa na naglalakad patungo sa nasabing ilog bago magkasabay na tumalon upang maligo dahil sa mainit na panahon.
Nang mapansing hindi na lumutang ang dalawa ay kaagad nang humingi ng tulong ang mga residente sa mga otoridad.
Unang narekober ng mga divers ang katawan ni Lakandula at agad na isinugod sa Camillan Sister’s Polymedic, suÂbalit patay na ito habang si Lupo ay narekober naman pagkalipas ng ilang oras at hindi na rin
umaÂbot ng buhay sa pagaÂmutan.
Ilan sa mga residente ang nagsabi na pinagbabawalan na nilang maligo ang mga bata sa nasabing ilog dahil delikado at may balita na pinamamahayan ng engkanto ang naturang ilog.