MANILA, Philippines -Pinagbabaril ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang CAFGU at isang pulis sa naganap na ambush kamaÂkalawa ng gabi sa Escalante City, Negros Occidental.
Ang mg biktima na namatay noon din ay nakilalang sina CAFGU Active Auxiliary (CAA) Joseph Lutrago, 38, at ang pulis na tinukoy lamang sa apelyidong PO1 Tanguan.
Batay sa ulat, bandang alas-6:00 ng gabi habang ang dalawang biktima ay magkaangkas sa XLR 200 na motorsiklo patungo sa Escalante City Public Market nang tambangan ng may 8 rebelde sa bisinidad ng Brgy. Libertad ng lungsod.
Nasapol ng bala sa ulo si Lutrago na nasawi noon din habang si Tanguan na bago bawian ng buhay ay nagawa pang makipagpalitan ng putok sa mga rebelde.
Nabatid na ang 8 rebelde na tumambang sa mga biktima ay pinamumunuan ng isang alyas Ka Dan na miyembro ng NPA assassination unit.
Isang hot pursuit opeÂration ang inilunsad ng tropa ng militar at pulisya laban sa grupo ng mga rebelde na banta sa peace and order sa Western Visayas Region partikular na ngayong Mayo 2013 elections.