MANILA, Philippines - Dalawang katao ang nasawi habang 14 ang naÂsugatan matapos na akÂsidenteng magsalpukan ang isang pampasaÂherong jeepney at tricyÂcle kamaÂkalawa ng hapon sa MaÂharlika Highway, Brgy. Concepcion Palasan, SaÂriaya, Quezon.
Ang mga nasawi habang nilalapatan ng lunas ay kinilalang sina Lilia Catorse, 66 at ang driÂver ng tricycle na si Roel Macaraig na nagtaÂmo ng grabeng mga sugat sa katawan.
Ang labing-apat na naÂsugatan ay isinugod sa Candelaria Doctors HosÂpital.
Sa ulat, bago naganap ang sakuna sa nasabing highway dakong alas-3:30 ng hapon ay nasiraan ng preno ang Isuzu jeepney (DWV 456) na pumunta sa kaliwang linya ng highway na tuluy-tuloy na binangga ang kasalubong nitong tricycle na Kawaski (WZ9562) bago sinuwag ng bahay ni Elegio Montealto sa tabi ng highway.