MANILA, Philippines - Inihayag ni Leny Ruiz, weather forecaster ng PAGASA na patuloy na makakaranas ang publiko ng mainit na panahon na maaari pang umabot sa 40 degrees Celsius mula 38 degress na magpapatuloy sa mga susunod na araw laluna sa Tuguegarao City sa Cagayan Valley dulot ng hangin mula sa silangan ng karagatang Pasipiko o easterlies.
Bukod anya sa Tuguegarao ay makararanas din ng pinakamainit na temperatura ang Subic sa Zambales, Cabanatuan at Cavite.
Kamakalawa lamang, naitala sa Tuguegarao City ang 36.5 degrees celsius na temperatura at naÂkaÂranas din ng 36.6 ang Subic na mas matindi kumpara sa Metro Manila na nakapagtala lamang ng 34.4°C.
Huling naitala ang pinakamatinding init sa Tuguegarao City noong Mayo 11,1969 nang mairehistro ang 42.2 degrees celsius.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na ugaliing uminom ng tubig para makaiwas sa atake dulot ng matinding init at magdala ng pananggalang sa sikat ng araw tulad ng mga balabal, sombrero, paÂyong kung lalabas ng ng bahay.