^

Police Metro

PAGASA: Patuloy ang mainit na panahon

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag ni Leny Ruiz, weather forecaster ng PAGASA na patuloy na makakaranas ang publiko ng mainit na panahon na maaari  pang umabot sa 40 degrees Celsius mula 38 degress  na magpapatuloy sa mga susunod  na araw laluna sa Tuguegarao City sa Cagayan Valley dulot ng hangin mula sa silangan ng karagatang Pasipiko o easterlies.

Bukod anya sa Tuguegarao ay makararanas din ng pinakamainit na temperatura ang Subic sa Zambales, Cabanatuan at Cavite.

Kamakalawa lamang, naitala sa Tuguegarao City ang 36.5 degrees celsius na temperatura at na­ka­ranas din ng 36.6 ang Subic na mas matindi kumpara sa Metro Manila na nakapagtala lamang ng 34.4°C.

Huling naitala ang pinakamatinding init sa Tuguegarao City noong Mayo 11,1969 nang mairehistro ang 42.2 degrees celsius.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na ugaliing uminom ng tubig para makaiwas sa atake dulot ng matinding init at magdala ng pananggalang sa sikat ng araw tulad ng mga balabal, sombrero, pa­yong kung lalabas ng ng bahay.

 

BUKOD

CABANATUAN

CAGAYAN VALLEY

CAVITE

HULING

LENY RUIZ

METRO MANILA

SUBIC

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with