4 sakay ng motor sumalpok, bata dedbol

MANILA, Philippines - Isang 7-anyos na ba­tang lalaki ang nasawi habang ang kanyang mga magulang ay kritikal habang ang kanyang kapatid ay galos lang ang natamo matapos ang motorsiklo na kanilang sinasakyan ay nabundol ng isang pampasaherong jeep kahapon sa Pasig City.

Ang nasawing bata ay kinilalang si Justin For­milles, kritikal naman at isinugod sa Pasig City General Hospital ang ama nitong si Simporiano Formilles Jr., 36, misis na si Jemma, 38.

Habang ligtas naman sa panganib ang 8-anyos nitong kapatid na si Vince na nagtamo lang ng galos.

Batay sa ulat ng pulis­ya, dakong alas-3:00 ng madaling-araw ay lulan ang pamilya sa isang motorsiklo na minamaneho ng ama na si Simporia­no at tinatahak ang kaha­baan ng Eastbank Road, Floodway, Brgy. Sta. Lucia nang ito ay mabundol ng isang ru­maragasang pampasaherong jeep (EFY-490). 

Tumilapon ang apat na sakay ng motor kung saan agad na nasawi si Justin na walang suot na helmet.

May suot naman na hel­met ang mag-asawang Formilles ngunit napuruhan din sa kanilang pagbagsak sa kalasada.

Masuwerte namang bu­magsak sa katawan ng mga magulang ang anak na si Vince kaya galos la­mang ang tinamo nito.

 

Show comments