MANILA, Philippines - Isang 50-anyos na neÂgosyanteng TsiÂnoy na nakapatay sa isang opisyal ng pulis at pagkasugat ng tatlong iba pa sa isang road accident sa Skyway sa Parañaque City noong Sabado ang nakatakas sa kuwarto nito sa Asian Hospital kahaÂpon.
Ang suspek ay kinilaÂlang si Aldwin Co na isiÂnugod sa nasabing ospital kasama ang kasambahay nitong si Grace Animay matapos na salpukin ng kanyang sasakyan ang SUV ng nasawing si P/Chie Insp. Ferdinand RoÂsario na nakatalaga sa ReÂgional Public Safety Battalion.
Habang sugatan ang mga kasamahang pulis na sina PO1s June Ray Ybañez; Merlito Paliwa at Andrew Lamayo.
Pinaiimbestigahan na ni National Capital RegioÂnal Police Office (NCRPO) Director Leonardo Espina kung paano nagawang makatakas ng suspek gaÂyung bantay-sarado ng mga pulis habang nakaÂratay sa nasabing ospital.
Magugunita na noong Sabado sa southbound lane ng Skyway ay sakay ang mga biktima ng MitÂsubishi Adventure na minamaneho ng nasawing pulis nang ito ay masalpok ng Ford Mustang GT sportsÂcar ng suspek.
Sa lakas nang pagkaÂkaÂsalpok ay tumilapon palabas ng sasakyan ang nasawi habang nasugatan ang tatlo na kasamahang pulis.
Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang kaÂpatid ng nasawi na si Atty. Conrad Rosario sa mga pulis na nagbabantay sa suspek at sa bagal umano ng isinagawang imbestigasyon ng HighÂway Patrol Group (HPG).
Nanawagan ito kay Co na sumuko at panagutan ang kanyang krimen.
Nagtungo na rin sa kanyang bahay sa Ayala-Alabang at sa bahay ng ina nito sa Maynila ang mga pulis ngunit hindi nasumpungan ang suspek.