MANILA, Philippines - Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang ibat-ibang uri ng electronics at novelty item na nagkakahalaga ng P15-milyon sa Iloilo International Airport.
Ayon kay Comm. Rozzano “Ruffy†Biazon, inatasan niya kamakailan si Ricky Rebong, hepe ng Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng BoC na magsagawa ng inspection sa airport ng Iloilo matapos silang makatanggap ng intelligence report na ang mga dumating na kargamento na naglalaman ng mga electronic gadgets at novelty item tulad ng I-pad at cellphones ay pawang mga smuggled.
Agad namang kumilos at gumawa ng aksiyon si Rebong na nagresulta ng pagkakakumpiska ng mga ‘hot items’ na sakay ng Cebu Pacific, flight no. 5J243.
Wala pang lumulutang na consignee sa mga nabanggit na kargamento.
Samantala, nagsagawa rin ng inspection ang mga tauhan ni Biazon sa Port of Legazpi at nasamsam nila ang 94,000 sakong smuggled na bigas na gaÂling ng bansang Vietnam na nagakakahalaga ng P135-milyon.
Ang mga consignee ng naturang bigas ay ang Samahan Ng Magsasakang Kapampangan at Katalugan, Malipampang Concerned Citizens, Inc., Ugnayang Magbubukid ng San Isidro, Inc. at Kapatirang Takusa na nakatakdang kasuhan ni Biazon dahil sa paglabag sa Section 2530 ng Tariffs and Customs Code of the Philippines (TCCP) at sa Department of Agriculture (DA) Rules para sa rice importations.