Easter shootout: 4 todas
MANILA, Philippines - Apat ang patay at tatlo ang nasa malubhang kalagayan, kabilang ang dalawang bata na tinamaan ng ligaw na bala makaraang magka-engkwentro ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at mga miyembro ng sindikatong nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kahapon ng tanghali.
Dalawa sa apat na nasawi ay kinilalang sina Ato Mohammad, 36 at Alvin Pilas, 19, residente ng Blk.7, Lot 80, Baseco Compound, Port Area, Maynila.
Narekober ng pulisya sa apat na nasawi ang dalawang kalibre .45 baril at dalawang kalibre .38 na ginamit sa pakikipagpalitan ng putok sa mga tuhan ng Baseco PCP na pinamunuan ni C/Insp. Nicolas Pinon.
Agaw buhay naman ang nasa panig ng mga awtoridad na si Junrey Cabual, 35, barangay tanod ng Brgy. 649, Zone 68, sa ilalim ng pamunuan ni Barangay Chairman Cris Hispano na nagtamo ng tama ng bala sa tiyan at tumagos sa likurang bahagi ng katawan nito na ngayon ay ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.
Habang ang dalawang bata naman ang tinamaan ng ligaw ng bala ay kinilalang sina Galbz Gabinete, 10 at Alrnie Legato, 8, residente rin sa lugar.
Ayon kay C/Insp. Pinon, dakong alas-10:00 kamakalawa ng gabi nang may magbarilan ang mga kalalakihan sa nasabing lugar kaya rumesponde ang kanilang puwersa sa pamumuno ni MPD-Station 5 P./Supt. Ferdinand Quirante.
Inabot ng madaling araw sa isinagawang follow-up operation subalit hindi natunton ang mga suspek pero kahapon ng umaga ay may nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad sa kiÂnaroroonan ng mga suspek na sinasabing nagtatago malapit sa Aplaya.
Dakong alas-11:10 nang dumating sa lugar ang mga awtoridad suÂbalit agad umano silang pinaputukan ng mga suspek kung saan ay nasapol sa tiyan ang barangay tanod.
Gumanti ng putok ang mga pulisya na nagresulta ng pagkamatay ng apat na hinihinalang mga pusher.
- Latest