MANILA, Philippines - Dedo ang tatlong extortionist makaraang lumaban sa mga sundalo na sumita sa kanila sa Zamboanga del Sur, noong Huwebes ng umaga.
Kinilala ni Major Edgardo Amores, Spokesman ng Army’s 1st Infantry Division (ID) ang mga napatay na suspek na sina Amih Andi, Ambak Magusan alyas Imbok at Rasul Manguda.
Ayon kay Lt. Col Yegor Rey Barroquillo Jr., Commander ng Army’s 44th Infantry Battalion (IB), unang napatay sina Andi at Magusan.
Bandang alas-5:40 noong Huwebes Santo habang nagsasagawa ng security patrol ang tropa ni Barroquillo at ng lokal na pulisya ng makasagupa ang grupo nina Andi at Magusan sa liblib na lugar sa Brgy. Danganan, Lapuyan ng lalawigan.
Nitong Biyernes Santo ng umaga ay muling sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar na nagresponde sa text message ng mga sibilyan laban sa grupo ng mga suspek na nangha-harass sa mga residente sa may dalampasigan ng Brgy. Tibalgo, Margosatubig, Zamboanga del Sur.
Nagkaroon ng ilang minutong putukan na ikinasawi naman ng isa pang lider ng mga extortionist na kinilalang si Rasul Manguda.