Ayaw kumain ng baboy: Nagnakaw ng sardinas, huli
MANILA, Philippines - Bunsod ng pangingiÂling na bawal munang kumain ng karne ng baboy dahil sa mahal na araw kaya napilitang magnakaw ng mga delatang tuna sardines ang isang binata sa isang convenient store, pero minalas na maaresto kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.
Ang suspek ay nakilaÂlang si Bienvenido Ambrocio, 23, residente ng Block 37 Welferville Compound, Barangay Addition Hills sa lungsod.
Sinabi ni Herminio Quisay, security guard ng Mini-Stop convenient store sa World Wide Corporate Center sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City, ganap na alas-9:50 ng gabi nang pumasok sa nasabing tindahan ang suspek.
Palinga-linga umano ang suspek at umikot sa loob ng tindahan at nang walang tumitingin sa kanya ay mabilis na kumuha ng 10 delatang tuna sardines saka isinilid sa loob ng kanyang bag at lumabas ng convenient store.
Pero hinabol siya ng sekyu at tiningnan ang loob ng kanyang bag at doon natuklasan ang mga ninakaw na mga delata.
Ipinagharap na ng kaso ni Catherine Tersino, representative at Officer-In-Charge (OIC) ng Mini-Stop sa lugar ang suspek na ngayon ay nakakulong pa sa Mandaluyong City police jail.
Sa himpilan ng pulisya ay inamin ng suspek na wala silang pang-ulam kaya isda o sardinas ang kanyang mga kinuha sa tindahan ay dahil bawal kumain ng karne bunsod ng Mahal na Araw.
- Latest