MANILA, Philippines - Inutas ang isang makaraang tumangging magbigay ng P10 na hinihingi sa kanya ng isang adik sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Navotas Emergency Clinic ang biktimang si Sonny Dela Cruz, residente ng E. Mariano St., Pantay-Pantay, Barangay Tangos sa lungsod.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alyas “Freddie†naninirahan sa Barangay San Roque, ng naturang lungsod.
Base sa imbestigasyon ng Navotas City Police, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon sa kahabaan ng Leongson St., Barangay San Roque.
Habang nag-aabang ng pasahero ang biktima sa nabanggit na lugar, nang lapitan siya ng adik na suspek at hiningan ng P10 pero hindi nagbigay kaya siya pinagsasaksak.